| Volunteers from other Groups esp the splinters in S.Luzon now join Kabalikat Civicom |
|
|
|
| Written by Gil Dela Torre |
| Thursday, 24 June 2010 07:40 |
|
Sa mga ulat na ipinarating sa National, kahanga hanga ang turn of events na kung saan maraming sumali kasama galing sa ibang grupo lalong-lalo na ang sa mga splinter groups ng Kabalikat. Tinanong sila kung bakit Kabalikat pa ang napiling samahang grupo. Maraming pahayag ang nagkatugma ang dahilan ay dahil sa makabuluhang programa ng Kabalikat sa komunidad pati na ang buong pagkakapatiran nito sa isa't-isa. Di na rin dapat banggitin at malawak nitong network sa Pilipinas na hindi mapantayan ng ibang grupo sa kadahilanang walang ugnayan ito sa ibat-ibang lugar sa bansa pati na sa ibang bansa. May mga naglahad na nuong hindi pa sila kasapi ng Kabalikat Civicom, upang makaroon ng ugnayan sa ibang lugar ay tinutulungan pa ng Kabalikat para makarating ang pag uugnayan. Dahil dito, pinatutunayan ng pamunuan na hindi salungat sa ikauunlad ng samahan sa kadahilanang ang mga grupo na pansamantalang nagha hibernate ay napupunan ng bagong tatag na grupo. At naranasan ng pamunuan sa mga lugar na ang mga namumuno ay hindi masyadong committed o dedicado ay nagkakaroon ng demoralization patungo sa pagte ten six ng chapters na siyang ikinamamatay ng grupo nito. Upang mabalanse ang ganitong sitwasyon, ang punong tagapagtatag ay nanindigan ng buong pagmamalasakit na itaas ang antas at palakasin lalo ang mga samahan sa lalawigan. Dito bumuo ang Kabalikat Founder ng mga tanging pinagkakatiwalaan na may karapatang magtatag sa kanilang lugar para sa ikauulad ng Kabalikat Civicom. |
| Last Updated on Wednesday, 07 July 2010 07:32 |