| Dito nakataya ang buhay ko |
|
|
|
| Written by Gil Dela Torre |
| Monday, 03 August 2009 12:00 |
|
Kabalikat Ethics and Spirituality "Masama bang lumagay sa totoo? Masama bang ilantad ang mga pandaraya? Bakit parang ako pa tuloy ang masama? Bakit ang tingin nila sa akin ay basta lang nanggugulo, hindi marunong makisama, walang utang na loob, nagmamalinis, naninira. Tama nga kaya itong ginagawa ko? Kayanin ko kaya ito? Saan ako dadalhin nito? Paano na ang pamilya ko? Sino ang puwede kong makausap? Sana makita nila na ginagawa ko ito hindi para sa sarili ko, kundi para sa kapakanan ng nakararami. Dito nakataya ang buhay ko. Ayaw kong balang araw ay ikahiya ako ng anak ko o ng eskuwelahan ko. Hindi ko matatalikuran ang magandang ehemplo ng aking mga magulang. Sabi nila: 'Anak, hindi namin kayo pinapakain ng nakaw; paglaki ninyo, sikapin ninyong mamuhay ng marangal.' Hindi naman ako banal. May sarili rin akong kapalpakan. Ngunit hindi rin ako patatahimikin ng sarili kong budhi kung basta mananahimik lang ako. Sa ngayon, sa Diyos na lamang ako umaasa. Pero sana naman, hindi ako maiwang nag-iisa. Teka, bakit nga ba kailangan pa nating bantaya ang isa't isa? Maganda sana 'yun bang bawat isa ay namumuhayng walang daya, at kusang loob na lumalagay sa tama. Ang ganda di ba? Ang ganda!" -Fr. Albert E. Alejo, SJ, PH.D
|
| Last Updated on Saturday, 08 August 2009 00:16 |